Impeachment of GMA

Jose Cusido- College Editor’s Guild of the Philippines, Chairman:

Last year and even before the year last year may mga impeachment cases po na nafile laban kay Pangulong Arroyo. Wala po ritong nagprosper. At present meron pa rin pong people’s discontent. Galit na galit pa po ang mga mamamayan sa mga isyu ng pandaraya, ang mga isyu ng kabataan higgil sa edukasyon. So kung meron pong magfile ng impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo, magpoprosper pa bo ito sa taong 2007?

Ang kasagutan sa tanong na iyan ay nasa kamay ng bawat isa sa atin, partikular ng kabataang Pilipino. Ang pipiliin at iboboto ba ninyong kinatawan sa Kongreso ay boboto pabor sa pagkakaroon ng pananagutan ng isang opisyal sa gobyerno? Ang may-ari ng boses at boto ng mga mambabatas sa Kamara ay kayo. Dapat pinaparating ng mga congressmen ang boto at boses ninyo sa Kongreso. Itong Kongresong ito, hindi nila ginawa yan. Dapat bawiin muli ng sambayanan ang boto at boses na yan sa pamamagitan ng pagpili ng mga mambabatas na boboto pabor dito at boboto upang magkaroon ng accountability ang sinumang opisyal kabilang na ang presidente ng Pilipinas.

One Response to “Impeachment of GMA”

  1. norberto Says:

    ang problema nga natin sa ating kapwa pilipino kapag nabayaran na wala na ang prinsipyo di ba, soo dapat lang talagang bantayan ang election..salamat

Leave a Reply