Poll Automation

Walang choice ang Comelec na piliin kung anong batas lang ang ipapatupad nila . . .  kung ano ang hindi nila ipapatupad at kung kelan nila gustong ipatupad yon. Maliwanag sa batas, dapat i-implement yung automation law sa election ng 2007 in at least two pilot areas in Luzon, 2 pilot areas in the visayas and 2 pilot areas in Mindanao. Yung budget hindi nila dapat katakutan kasi locally funded yung budget. Pangalawa hindi lang naman yon ang itinatalaga ng automated election law. May mga pagbabagong itinatalaga din dun na pwede naman nilang gawin halimabawa yung pagkakaroon ng 30 kopya ng election returns. Isang paraan sana yan para maiwasan ang dayaan. Imbes na 7 kopya lang yan, na kung wala kang partido, wala kang kopya. Kung 30 kopya yan, halos lahat ng tumatakbo kasama na ang ibat ibang ahensya ng media magkaroon ng kopya. Magkakaroon din ng kanya-kanyang quick count at hindi yung iilan lang ang may kopya ng election returns. Kung kandidato ka, popular at malakas ka, makukuha mo ang nomination ng karamihan ng partido na entitled sa kopya ng ER. So yung kalaban mo wala na. Para sa akin maganda na ang proposal na yan, sana mapatupad yun man lang, hindi man yung automated election, yun man lang mapatupad sa election ito.

One Response to “Poll Automation”

  1. SIKAP Says:

    Good point!

    Happy Valentines Day!

    SiKAP PARTYLIST

    Empower the Youth. Hear Their Voices. Support SIKAP - SIGAW ng KABATAANG PINOY!
    Visit http://www.sikap.org

Leave a Reply