Keep calm and unite as Election Day looms
I urge everyone to keep calm and unite amid allegations that a fellow senatorial candidate from the Genuine Opposition (GO) slate has junked some names in her sample ballots.
I call on the GO candidates to unite especially during the last two weeks of campaign and to continue campaigning for the slate in our stronghold by flaunting our acronym PLAN Co REVOLT.
Minsan nga kalaban pa ang gumagawa ng mga issues para pag-away-awayin yung magkakakampi kaya mahalaga siguro wag lumukso agad at katulad ng panawagan namin sa mga panahong ito na huling dalawang linggo ng kampanya, lalung-lalo na pag mainit ang panahon, ay konting cool lang ho at hinahon. Hindi ho kailangan ang init ng ulo sa mga panahong ito.
More of this kind of issues and allegations against us will come out as the Election Day looms.
Di ko na rin po alam kung totoo yan o hindi at kung dapat bang patulan o hindi. Pero para sakin ho ang paniniwala ko pa rin dyan PLAN Co REVOLT kami: Pimentel, Lacson, Alan Cayetano, Noynoy Aquino, Coseteng, Roco, Escudero, Villar, Osmeña, Legarda, at Trillanes. At yun pa rin po ang aming dadalhin sa aming kandidatura at pag-iikot at sa sarili kong distrito rin sa unang distrito ng Sorsogon.
In my own sample ballots, I would have the 11 GO candidates names printed.
Yung isang pwesto dun e malamang ang ilalagay po namin ay si Senator Honasan dahil bakante naman po yun at taga-Sorsogon at kapwa Bicolano ko po. Yan po ang pinag-uusapan namin sa aming lalawigan.
The word “revolt” in our acronym was meant to seek immediate change and not rebellion. We are using our acronym particularly in individual campaigns as each GO candidate’s way of carrying the whole slate in our respective provinces and stronghold and not as a tool to destroy the country as President Arroyo has criticized of the rivals of the administration candidates.
Again, PLAN CO REVOLT para sa mga kandidato namin sa Genuine Opposition. Ibig sabihin nito, madaliang pagbabago laban sa katiwalian.
The survey results should not be the cause of squabble among my fellow candidates and let the May 14 elections be the basis of who will win.
Ang parati kong sinasabi di dapat mapikon o magalit dahil sa survey. Hindi rin dapat siguro magyabang at maging kampante dahil sa survey. Gawin natin kung anong dapat nating gawin at yung ginagawa natin mula noong magsimula tayong mangampanya. Hindi na dapat pag-awayan ang survey at pagtaluhan. Dapat siguro tingnan na lang natin sa May 14. Yun naman ang pagababatayan ng sinumang mananalo at ipoproklama.
May 9th, 2007 at 11:56 pm
sana nga lang po hindi totoo, dhil ang karma po, digital na..meaning, mas mbilis bumalik ang karma..maami na pong may ayw sa knya, lalo pa’t may mga text messages laban sa knya na pinapakalat ng mga ayaw sa kanya..God bless po. m and my family will do the best that we can to ensure your win at mailayo po kayo sa daya..